a very special love: bonggang bongga!
October 20, 2009
lilibethdt
ayaw ko sanang tapusin pa ang kwento ng miserable kong firstgay love (a very special love: unang pagtatagpo) pero wala akong magawa. puro love songs ang naririnig ko. nakaka inlove tuloy. okey heto na…
naging maganda ang aking paggising. nakatanggap ako ng isang tawag galing kay ebler. nagpatuloy ang aming kwentuhan. halos pati buhay ng tutubi ay pinakikialamanan na namin. uminit na ang telepono sa tenga ko at di pa rin kami tapos sa kwentuhan. naging bukas kami sa aming mga buhay buhay. halos pareho kami ng pinagdaanan.ang pinagkaiba lang namin nabuhay sya sa isang konserbatibong instik at mayamang angkan. samantalang ako isang hamak na mahirap lang at naghihikahos na maiahon ang sarili sa pamamagitan ng pag gradweyt sa maayos na school (char!).
monday.tuesday.wednesday. wala kaming tigil sa pagkikita. lumalabas na rin kami in public. watching movies together. ewan ko ba kahit pangit na horror movie na napanood namin, nag enjoy kami ng sobra. naging romantic comedy bigla sya sa aming paningin.
first holding hand. sa aming pagkakaupo sa ayala cinema1, biglang natapik nya ang kaliwang kamay ko. na shock ako ng hinimas himas nya ito na medyo naka ngiti ang mga labi niyang konti. di ako pumalag. natakot din ako. baka kasi ipasok pa yung kamay ko sa ano nya, napaka minus nun..pero di yun nangyari. hinigpitan nya ang hawak. sobrang lambot ng kamay nya. natapos na ang movie at magkahawak pa rin ang aming mga kamay. umalis na kami sa sinehan. nasa garden kami ng mall when he said im sorry, his bad. yup nag sorry sya for holding my hand. na touch ako sa gesture nyang yun. ganun sya ka wholesome. totoy na totoy talaga ang dating nya. nakakatunaw ang kanyang mga malagkit na paningin. parang may gusto syang sabihin na nahibiya syang sabihin. i miss you lang ang nabanggit nya.
OUT.sa lubos kong kaligayahan, di ko mapigilan ang makilig. i started to open up this issue to one of my closest friends. i guess that was the first time to open up about my sexuality and the tendency to attract gayguy sa isang kakilala at kaibigan. as usual nabigla naman ang friend and her bf. but she’s happy coz at least it’s a sign that i moved on with Mau.
the time to say goodbye.a day after, nagtext ako di sya sumagot, tumawag ako di sya ma kontak. naghintay ako ng fon call sa landline pero di sya tumawag. but i was just thinking na maybe busy lang sya sa academics nya or di kaya sa varsity nila. nagbasa ako ng newspaper ng sunstar at yun nga panalo na naman ang kanila koponan. ang galing! the foilowing day while i was having dinner at Da vINCE’s Pizza hut, na kontak ko sya. nag iba na daw sya ng number. okay fine! pero yun nga..after that never na syang nag return call, never ass in never ko na syang nakita. lahaty ng nag uugnay sa amin ay bigla na lang nawala.
depression. ilang buwan din akong umiyak. na depress ako ng bonggang bongga! iniiwasan ko na ring pumunta sa ayala mall kasi dami kasing intsik na magkasing kulay at hugis ng mukha mo. pero yun nga di ako nagtagumpay na iwasan ka. 6 months after ata when i started going out and met interesting people. unfortunately, some of them kilala ka. may na meet akong guy na ex ng ex mo. he tried to convince me nga na mag join forces kami para gantihan ka pero di ako nagpa uto. ang isang guy naman na naging bestfriend ko ngayon classmate mo sa highschool. ang bookkeeper na na hired ko ngayon ay kabarkada mo pala sa college. sa akin din nya nalaman na di ka talga straight. kay Ms. bookkeeper ko rin nalaman that they started na maghimala sila sa sekswalidad mo ng minsan nakitxt ka sa friend mo at di mo na delete ang sent item. na touch ako to find out na ako pala ang ka text mo at that time. syensya na ng dahil sa akin nabahiran tuloy ng malisya ang iyong pagkatao.
hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. seguro dahil nawala ka lang bigla ng wala man lang nangyari sa atin or seguro dahil love na love talaga kita. kung ganito pala ang pag-ibig di sana di ko na hinangad kay God na may taong darating sa buhay ko na mamahalin ako ng bongang bongga! ang sakit talagang magmahal. nasaktan na nama ako ngayon kasi my classmate told me that Janice had just given birth to a baby boy. si Janice ang babaeng crush ko sa elementary at niligawan ko sa high school. eniweys ibang kwentong na yun…
itutuloy para sa ending
Entry Filed under: 1
1 Comment Add your own
Leave a Comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to comments via RSS Feed
1.
brod | October 21, 2009 at 9:27 am
ahh..ok!!
hehehehe